Tinatawag mo na ang sarili bilang mapera,
Kaya ng bumili ng mga bagay na nagustuhan lamang;
Pero ito pakakatandaan mo
Huwag kang maginarte
Sa mga bagay na ikinabuhay mo noon
Nangibang Bansa lang ang mga magulang, kapatid, o kamag-anak
Kung umasta ka'y kala mo hindi galing sa hirap.
Nandidiri sa dilis, ayaw na sa simpleng pirito ng talong;
Inaayawan na rin pati tatak pinoy na biscuit.
Mas ginusto pa ang Nutella
Kesa peanut butter ni Aling tina
Tinangkilik na ang Toblerone
Kaysa sa Barnuts
Ayaw na rin sa Yema,
Mas gusto pa daw ang Reese
Inaayawan na rin ang monay ni Manong pedro
Ang gusto e' Loaf bread sa mga kilalang panadero.
Kung hindi dahil sa pagdiskubre ng apoy
Ng ating mga ninuno
Baka iyong mga nagustuhan mo na
Ay hanggang ngayon wala pa
Mabubuhay ka kaya?
Ito ang iyong dapat pakatandaan
Umasenso ka man
Huwag mong kalimutan
Kung saan ka nagmula,
Kung saan ka nagsimula.
Sapagkat sasabihin ko ito sayo
Sigurado akong ika'y magpapasalamat
Nang kung hindi dahil sa kanila
Dahil sa mga bagay at tao na iyon
Hindi ka mapupunta sa kinauupuan mo ngayon.
Kaya kung mapadaan ka kay Manong pedro
Sa tindahan man ni Aling tina
O sa palengkeng pinandidirihan mo
Magpakumbaba ka,
Dahil kung wala sila
Hindi ka makakapagsimula.
Monay, noong naghihirap ka
Isda nabubusog kana
Peanut butter na pinapak na parang candy
Pwede pang ipalaman.
Sila ang nagbibigay lakas sayo noon
Para simulan ang araw o katapusan nito
Matuto ka namang magpakumbaba
Balikan kahit iilang bagay mula sa iyong nakaraan
At hindi ganyang pag asta mo ngayon
ang ipinapakita na walang ikauunlad.
Captured by: Csongor Kemeny |
No comments:
Post a Comment